𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗚𝗢𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖

Nagpapaala ang tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Dagupan City sa mga beach goers at mga turistang dadayo sa Tondaligan beach.

Binalik ang mga bouya sa Tondaligan beach na siyang makatutulog para siguruhing ligtas ang mga beach goers sa paliligo sa dagat.

Ang mga bouya ay makatutulong para magbigay ng babala kung hanggang saang parte lamang ng dagat maaaring maligo ang mga beach goers.

Pakiusap din ng tanggapan ang pagsunod sa abiso ng mga awtoridad at lifeguards.

Huwag rin umanong lalangoy sa dagat kung nakainom ng alak, may rip current dahil maaaring matangay ng agos at maging sanhing pagkalunod.

Mag-ingat din umano sa mga jellyfish o dikya at kung huwag na rin magbababad ng matagal sa tubig kung sobrang init ng panahon para maiwasan naman ang heat stroke.

Sa ngayon, tuloy ang pagdayo ng mga bisita sa tondaligan beach at inaasahang dadagsa pa ito sa oras na maisagawa na ang mga nakaambang proyekto para sa pagpapalakas ng turismo rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments