Thursday, February 19, 2026

𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗛 𝗪𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗗𝗔𝗬


‎Cauayan City – Dinagsa ng mga debotong Katoliko ang misa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ash Wednesday kahapon, ika-18 ng Pebrero.

‎Sa mensahe ni Reverent Father Vener Ceperez nitong Ash Wednesday, sinabi niyang kailangang bukal at malinis ang puso sa pagtanggap sa biyayang ipinagkakaloob ng Diyos.

‎Ipinaalala rin ng pari na madalas makaligtaan ng tao ang presensya ng Diyos sa araw-araw na pamumuhay.

‎Dahil dito, hinikayat niya ang mga mananampalataya na paigtingin ang personal na pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

‎Paliwanag pa niya, kapag nawawala sa puso ng tao ang presensya ng Diyos, mas nagiging madali ang paggawa ng kasalanan tulad ng panlilinlang at unti-unting nagiging sekular ang pamumuhay.

‎Ang Ash Wednesday ay isang mahalaga at banal na araw para sa mga Kristiyano dahil ito ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma o Lenten Season.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments