Umpisa na sa pagsasailalim sa iba’t-ibang mga lectures, pagsasanay at iba pang programa ang mga drug reformists sa lungsod ng Dagupan sa kanilang pansamantalang paninirahan sa Balay Silangan Reformation Center.
Matatandaan na kamakailan lamang ay pinasinayaan ang bagong reformation facility para sa mga drug offenders sa lungsod na nais magbagong buhay at talikuran ang paggamit sa ilegal na droga.
Sa kasalukuyan, nasa labing-isa (11) na mga reformists ang namamalagi sa nasabing reformation center upang sumailalim sa mga aktibidad at programang makatutulong sa kanila.
Nauna nang sinalang ang mga ito lectures ukol sa Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya o KATROPA maging ang ukol sa Parenthood Talks at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments