𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦

Tiniyak ng Bureau of Fire Protection Region 1 na sumusunod sa fire safety requirements ang mga establisyimento sa Region 1 maging ang mga ipinatayo lamang.

Ayon kay Fire Senior Superintendent BFP Assistant Regional Director Eddie Jucutan, isa sa prayoridad ng kagawaran ang fire prevention kung kaya’t malaking bagay na ma monitor ang mga establisyimento sa rehiyon nang maiwasan ang sunog.

Aniya, bago pa lamang maipatayo ang isang establisyemento o gusali ay sinusuri na ang kagawaran kung tama ang fire safety requirements at pagdating naman sa mismong konstruksyon nito ay tinitignan kung ang mga nakalagay sa panuntunan ay nasusunod.

Ilan lamang sa mga panuntunan ay ang pagkakaroon ng fire extinguisher, fire alarm system, fire evacuation plan, fire exit at iba pa.

Ipinunto rin ng kagawaran na tinututukan nila ang mga negosyong nagbebenta ng non-hazardous o hazardous dahil may kaukulang requirements din silang ibinibigay para sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments