π— π—šπ—” π—˜π—¦π—§π—”π—•π—Ÿπ—œπ—¦π—¬π—œπ— π—˜π—‘π—§π—’ 𝗑𝗔 π—‘π—”π—šπ—•π—˜π—•π—˜π—‘π—§π—” π—‘π—š 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π— π—”π—¦ π—Ÿπ—œπ—šπ—›π—§π—¦ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—’π—–π—’π—¦ 𝗑𝗒π—₯π—§π—˜, π—¦π—¨π— π—”π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗑𝗗𝗔π—₯𝗗 π— π—’π—‘π—œπ—§π—’π—₯π—œπ—‘π—š

Sumailalim sa standard monitoring ng Department of Trade and Industry ang siyam na establisyemento na nagbebenta ng Christmas Lights sa Ilocos Norte.

Inisa-isa ng ahensya ang bentahan ng nasabing produkto sa bayan ng San Nicolas at Laoag City.

Pagtitiyak ito ng tanggapan sa mga konsyumer na ang kanilang mga binibiling christmas lights at iba pang produkto ay de kalidad at pasok sa standards ng Bureau of Philippine Standards na dapat mapunan ng mga nagbebenta sa mga establisyimento.

Payo ng tanggapan sa publiko ang tama at wais na pamimili ng mga gagamiting dekorasyon at pampa-ilaw sa mga tahanan.

Dapat rin tiyakin na mayroong Philippine Standard (PS) mark o Import Commodity Clearance (ICC) sticker ang bibilhin upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng produkto. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments