Matapos ang mahigit dalawang linggong bakasyon ng mga mag-aaral sa Pangasinan, nagbabalik na ang mga ito sa kani-kanilang mga klase ngayong 2024.
Matatandaang nagsimula ang bakasyon ng mga estudyante noong ikalawang linggo ng buwan ng Disyembre at ngayong ika-3 ng Enero ang pagbabalik ng pasukan at ito ay nakapailalim sa Department of Education (DepED) Calendar.
Sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa ilang guro sa Pangasinan, inasahan na nilang may mga estudyante pa ring hindi handang pumasok dahil ang iba ay naka-holiday break pa rin.
Dahil dito, hinihimok ng kaguruan ang mga estudyante na bumalik at pumasok na sa kanilang mga klase upang hindi sila mahuli sa kanilang mga aralin sa klase. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments