Hinihimok at hinihikayat ngayon ng provincial government ng Pangasinan ang mga film makers sa probinsya na makilahok sa kauna-unahang fim fest na siyang gaganapin sa selebrasyon ng Pista’y Dayat.
Magiging bahagi at isa sa aktibidad ang kauna-unahang film fest na ito sa Pistay Dayat na siyang nagbibigay suporta sa mga pangasinenseng filmmakers at maging maiangat ang ganito rin klase ng industriya sa probinsya.
Iniimbitahan ang mga Pangasinan filmmakers na sumali sa isasagawang Film Making Workshop na siyang nakatakda sa April 6 hanggang 8, 2024 sa Lingayen Auditorium.
Sa workshop na ito nakapaloob ang iba’t-ibang salik pagdating sa film making gaya ng film production at documentary.
Kabuuang isang daang slot naman ang available para sa naturang workshop na siyang magbibigay ng sapat kaalaman sa mga filmmakers mula sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨