π— π—šπ—” π—šπ—¨π—₯𝗒, π—‘π—”π—š-𝗔𝗔𝗗𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π— π—”π—§π—”π—§π—”π—š 𝗖𝗨π—₯π—₯π—œπ—–π—¨π—Ÿπ—¨π—  π—§π—”π—§π—Ÿπ—’π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—šπ—’ π— π—”π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—£π—”π—¦ π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—•π—¨π—•π—¨π—žπ—”π—¦ π—‘π—š π—žπ—Ÿπ—”π—¦π—˜

Aminado ang Teachers Dignity Coalition na nag-aadjust pa ang ilang guro sa bansa sa implementasyon ng MATATAG Curriculum tatlong linggo matapos ang pagbubukas ng klase.

Inihayag ni Teacher’s Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, bagamat nahihirapan ang mga guro kinakailangang sumunod ang mga ito sa pagtuturo ng buong anim na oras.

Matatandaan kasi na ipinanawagan ng grupo ang pagsuspinde rito dahil sa bigat ng kanilang working load.

Dahil sa implementasyon ng bagong curriculum inaasahan na matugunan ang kanilang kahilingan sa gobyerno ng pagtaas sa kanilang sahod maging ang kanilang medical benefits.

Sa ngayon, pinanghahawakan ng grupo ang naging pahayag ng Department of Education na alisin na ang admin works upang makabawas sa mga hawak na trabaho ng mga guro. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments