𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗡𝗦𝗜𝗧𝗬 𝟮 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗗𝗢𝗟

Ininspeksyon ng City Engineering Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection ng Dagupan City ang mga gusali at paaralan sa lungsod matapos ang naranasang magkasunod na intensity 2 na lindol.

Sinuri ng mga ito ang Mga school buildings sa anim na paaralan sa lungsod kung saan nakitaan na umano ng damage nang mangyari ang magnitude 7.3 na lindol noong July 2022.

Isinailalim ang mga ito sa retrofitting at tiniyak kung walang mga bagong cracks o damages.

Ininspeksyon pati na rin ang old city hall at Sangguniang Panlungsod building.

Naramdaman ang intensity level 2 earthquake ng 5:58am nitong Huwebes at 5:41pm noong Martes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments