𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝟱% 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚

Nasa 5% na lang sa kabuuang bilang ang hindi pa tuluyang nakakapagpa-consolidate bunsod ng kakulangan sa miyembro na makapagbuo ng isang kooperatiba.

Natitirang higit 90% naman na ang consolidated Public Utility Vehicles o PUVS o mga operators na mayroong nang kinabibilangang kooperatiba o korporasyon.

Ayon sa guidelines na inilabas para sa PUV consolidation, kinakailangan na hindi bababa sa labing limang miyembro ang kasapi sa isang kooperatiba.

Ayon naman kay Bernard Tuliao, ang presidente ng One Pangasinan Transport Federation, patuloy na makikipag-ugnayan ang tanggapan nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB upang malaman ang magiging kalagayan ng mga kasali sa 5% na hindi consolidated, maging ang pagtalakay sa iba pang usapin na may kaugnayan sa umiiral na kautusan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments