Nakatutok ngayon ang awtoridad sa pagmonitor ng ilang kailugan sa Pangasinan matapos ang ilang araw na pag-uulan.
Ang Marusay River sa bayan ng Calasiao, ilang araw nang nasa above normal level bago pa man dumating ang bagyo ngunit sa ngayon, ito ay nasa 5 FT na.
Ayon sa River System Monitoring ng Pangasinan PDRRMO, kahapon, ang Sinucalan River ay nasa below normal level na nasa 4.9M lamang. Ang Balincaguing River ay nasa 4.2M na above normal level. Ang Bañaga River at Cayanga River ay nanatiling nasa normal level.
Pinayuhan naman ang mga residente na magsagawa ng pre emptive evacuation sakaling tumaas ang lebel ng tubig ng mga na nabanggit na ilog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments