𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗢𝗥𝗢𝗧𝗢𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞

Hinihikayat ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at kagawaran ng Kalusugan ang mga kabataan na mas piliin ang torotot bilang pamalit sa mga paputok na maaaring makapaminsala.
Sa ginanap na Kapaskuhan sa Barangay Awarding Ceremony, binigyan ang mga lumahok na mga kabataan ng mga torotot at sabay-sabay na pinaingay para sa kampanya sa Iwas paputok 2023.
Mas mainam na ligtas ang mga bata sa pagsalubong ng bagong taon at gamitin na lamang ang mga simpleng pampaingay tulad ng torotot kaysa mga mapanganib na paputok na may mga kemikal.

Ang panghihikayat na ito ng LGU Dagupan at ng Department of Health ay para sa kanilang target na zero firecracker related incident sa pagdiriwang ng bagong taon.
Samantala, mula ang mga kabataan na nakilahok sa mga island barangays at iba pang barangay sa lungsod na siyang nakapagtagisan din sa Christmas caroling contest. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments