Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Urbiztondo ang benepisyo ng pagbibisikleta sa mga kabataan.
Pinangunahan ng Urbiztondo Cycling Club kalahok ang hanay ng kapulisan ang isang cycling expedition na nilahukan ng mga residente na nahihilig sa naturang sports.
Isa ang sports o palakasan sa aktibong tinututukan ng lokal na pamahalaan upang mapataas ang moral ng mga kabataan na nahihilig sa anumang sports sa pamamagitan ng kanilang Sports Development Program.
Bukod dito, kabilang din sa sports na isinusulong sa bayan ay ang lawn tennis upang mahubog ang mga susunod na henerasyon ng atleta sa Pangasinan. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments