𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗡𝗜𝗟𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗨𝗠𝗕𝗟𝗘 𝗦𝗧𝗥𝗜𝗣𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗗𝗘𝗦𝗧𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗡𝗘𝗦

Nilagyan ng mga rumble strips, pedestrian lanes, yellow lanes at yellow boxes ng local government unit ng San Nicolas at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga bahagi ng kalsada sa bayan na madalas pangyarihan ng aksidente.

Ayon sa alkalde ng bayan, mahalaga umano ang mga inilagay na lanes at rumble strips para sa mas ligtas na kakalsadahan habang patuloy rin ang kanilang pagpapaalala sa mga motorista na maging disiplinado sa gitna ng kalsada.

Ang rumble strips ay sunod sunod na nakaumbok na linya sa Daan na nagbibigay babala at maging Alerto ang drayber sa restriksyon sa bilis o potensyal na panganib sa Daan.

Dagdag ng Opisyal, Kung maaari umano sana ay huwag nang pilitin na bumyahe kung nasa impluwensya ng alak para makaiwas sa aksidente.

Malaking tulong rin ang mga nilagay na yellow lanes at yellow boxes para sa tamang daloy ng trapiko at maiwasan rin ang mga iligal na pumaparada o illegal parking. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments