𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗕𝗨𝗬𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬

Sinusulit ngayon ng ilang konsyumer sa Dagupan City ang pagbaba sa presyo ng mga bilihin ngayon sa palengke tulad ng sibuyas at ilang produktong gulay.

Sa dami umano ng gastusin sa bahay, pasalamat ang ilang konsyumer sa pagbaba ng presyo ng ilan sa kanilang pangunahing binibili.

Mabenta sa mga konsyumer ngayon ang nasa ₱20 hanggang ₱25 na kalahating kilo ng sibuyas na maaari daw nilang iahlo sa itlog para i-ulam habang patingi tingi rin sila sa pagbili sa ilang gulay tulad ng repolyo, kamatis na nananatili pa ring mababa ang kuha, at halo-halong gulay na maaaring gawing pinakbet.

Ang patuloy na daing pa rin ng mga konsyumer ay ang walang humpay na pagbabago sa presyo ng bigas sa pamilihan kung saan umaabot na sa ₱56 ang kada kilo.

Ngayon, panawagan nila na magawan sana ng paraan ng gobyerno na mapababa ang presyo ng bigas sa mas abot kayang halaga pa sana. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments