𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗜𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗖𝗘𝗙

Benepisyaryo ang mga grupo ng magsasaka sa ikaapat na distrito ng Pangasinan ng mga kagamitang pansaka sa hatid ng Department of Agriculture.

Tinanggap ng mga ito ang agricultural machineries sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Layon nitong matulungan ang mga magsasaka sa kanilang ginagawang trabaho at pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa mga lugar sa ilalim ng 4th District ng lalawigan.

Naging posible naman ang pamamahagi sa pangunguna ng namumunong kongresista sa ikaapat na distrito at Department of Agriculture katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan at iba pang mga officials. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments