𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗔

Nakatakdang makatanggap ang mga magsasaka sa Dagupan City ng kagamitang pansaka upang matulungan ang mga ito na mapataas ang kanilang kita.

Ilan sa mga ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan sa mga Dagupan Farmers ang knapsack sprayer, water pump at accessories, grass cutter at iba pa.

Kasunod ito ng naganap na dayalogo sa pagitan ng LGU Dagupan sa pangunguna ng alkalde at mga magsasaka na naiparating ang kanilang mga pangangailangan.

Samantala, hinimok ang mga magsasaka na sumali sa mga asosasyon upang mapakinabangan ang ilan pang serbisyo ng Kagawaran ng Agrikultura at gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments