Umaasa ang mga magsasaka sa bahagi ng Buenlag, Calasiao na magiging maganda ang kanilang pag-aani sa susunod na buwan sa kabila ng nararanasang El Niño.
Ayon sa ilang magsasakang nakapanayam ng IFM News Dagupan, sa ngayon ay wala pa naman diumano silang nagiging malaking problema sa kanilang mga itinatanim. Sapat naman diumano ang suplay ng tubig, gayundin, maayos din daw ang daloy ng tubig sa mga irigasyon, kaya naman wala silang nagiging problema ukol dito.
Samantala, ginagawa raw nila ang kanilang makakaya katuwang na rin ang kanilang mga sinanibang asosasyon upang maibsan ang magiging epekto ng El Niño, sa mga susunod na buwan.
Panawagan naman ng mga magsasaka na magtuloy-tuloy ang pagsuplay ng tubig sa mga irigasyon para sa magandang ani.
Sa kabilang banda, patuloy din ang pagsasagawa ng National Irrigation Administration (NIA) Pangasinan sa pagbabahagi ng mga water pumps sa ilang bahagi ng lalawigan.
Sa ngayon, karamihan sa mga magsasaka ay nag-uumpisa na ring magtanim ng mais, upang makapag-ani agad bago pa sumapit ang tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨