𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗗𝗥𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗬𝗦

Napamahagian ang mga grupo ng magsasaka mula sa Pangasinan ng ilang mga tulong pansaka mula sa Department of Science and Technology o DOST sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST).

Apat na asosyan na kinabibilangan ng Hilltop Organic Farmers League ng San Jacinto Inc., Away Labney Lobong Irrigators Association, at Bolo Labney Lobong San Jose Irrigators Association ang tumanggap ng tig apat na solar drying trays habang ang Awai Upper Hills Farmers Association ay mayroong tatlo.

Makakatulong ang naturang kagamitang pansaka sa mabilis na pagpapatuyo ng mga bigas.

Mapapalakas din nito ang post harvest partikular ang produksyon ng bigas at monggo.

Samantala, nasa higit apat na raang mga magsasaka sa Pangasinan ang makikinabang sa naturang kagamitan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments