Napamahagian ang mga magsasaka ng niyog sa lalawigan ng Pangasinan ng daang bag ng agricultural grade salt fertilizer (AGSF) mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) Region I, II, at CAR.
Kabuaang walong daan bag ng naturang fertilizer ang naipamahagi sa mga ito na siyang magagamit sa nasa dalawang daang ektarya na taniman ng ng niyog sa bahagi ng bayan ng Bolinao at Dasol.
Ang mga naipamahaging fertilizer ay isa mga ginagamit na pataba para pagpapayabong ng mga tanim na niyong at maging pagpapakapal sa mga bunga nito.
Sa pamamagitan nito ay mapapataas ang kita ng mga magsasaka dahil sa magandang kalidad na maitatanim ng mga ito gamit ang AGSF.
Ang pamamahagi rin na ito ay alinsunod sa Republic Act 11985 o ang Philippine Salt Industry Development Act. Kung saan inaatasan ang PCA na gamitin ang domestically produce salt sa fertilization program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨