Sinang-ayunan din ng mga magulang sa lalawigan ang ukol sa nilagdaan at isinabatas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na “No Permit, No Exam Prohibition act”.
Malaking tulong umano para sa kanila ito lalo sa mga mahihirap na pamilya na nais makapag-aral ang mga anak at mairaos hanggang kolehiyo ang mga ito.
Sa laki ng gastusin sa pang-araw araw dahil sa nagsisi taasang presyo ng bilihin, magiging kabawasan sa kanilang kahirapan ang naturang batas dahil mabibigyan pa sila ng sapat na oras para makapagbuno ng pang-matrikula ng kanilang mga anak.
Ang naturang batas naman ay siyang nagpoprotekta at magbibigay karapatan sa mga mag-aaral, nasa publiko man o pribadong paaralan na makakuha pa rin ng periodical at final examinations kahit hindi pa nakapagbayad ng tuition fee.
Samantala, sabay sa paglagda sa naturang batas ang dalawang batas pa na siyang may kinalaman naman sa pagpapaigting ng industriya ng asin sa bansa at pag-access online sa pagpoproseso ng pasaporte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨