Pabor ang mga magulang sa Pangasinan ukol sa pagpapatupad ng suspensyon ng klase sa mga paaralan sa oras na nakakaranas ng sobrang init ng panahon.
Nito lamang, nagpatupad ng suspension of classes ngayong araw ang ilang bayan sa lalawigan tulad ng bayan ng Calasiao dahil sa nararanasang tindi ng init ng panahon.
Ang ilang magulang sinabing dapat lamang na magpatupad ang mga eskwelahan ng suspension of classes kapag sobra na ang nararamdamang init ng panahon dahil ang karamihan sa mga pasilidad na ginagamit lalo sa public school ay may kakulangan pa sa bentilasyon at hindi lahat ay naka-air condition.
Ayon sa health authorities, malaki rin ang magiging epekto ng init ng panahon sa kalusugan ng mga bata kung saan maaari silang makaranas ng heat exhaustion, pagkahilo, diarrhea, maging pagdurugo ng ilong.
Sinisiguro naman ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan na mas uunahin pa rin ang kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral lalo pa at nagsimula na ang dry season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨