𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦

Idinadaing ngayon ng mga consumer sa lalawigan ng Pangasinan ang nananatiling mataas na presyuhan sa produktong bigas sa ilang mga pampublikong pamilihan sa lalawigan.

Ayon sa mga mamimili, pinakamataas na raw para sa mga ordinaryong consumer ang makapamili ng nasa lima hanggang sampung kilo ng bigas lamang dahil sa nagpapatuloy na taas presyo nito.

Nasa ₱47 hanggang ₱49 ang pinakamababang per kilo ng locally-milled rice habang nasa ₱54 at mahigit ang presyuhan naman sa well-milled rice.

Madalang na rin makahanap ang mga mamimili ng ₱45 to ₱46 at ang iba dahil sa kalidad nito ay inaakalang NFA na ito umano.

Samantala, matatandaan na patuloy na binabatayan ng Department of Agriculture (DA) ang presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado dahilan ng unti-unting pagsirit nito sa presyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments