Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 na sa gabi lamang pumapalaot ang mga mangingisda ng rehiyon sa kabila ng isyu sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon sa virtual forum na pinangunahan ng ahensya, sinabi ni BFAR Ilocos extension and training chief lawyer Girlie dela Peña, napag alaman umano ito ng ahensya sa mga mangingisda sa rehiyon hindi gaya dati na Malaya ang mga itong makapangisda.
Siniguro ng tanggapan na nakapaglatag na ang mga ito ng maaring hakbang para sa mga seguridad ng mangingisda.
Sa kaugnay na usapin, inihayag ni BFAR Regional Director Rosario Segundina Gaerlan na pumapalo ng 200 porsyento ang sufficiency fish production sa rehiyon, kung saan nakakapagtala sila ng 40-50 toneladang naaaning isda.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng BFAR Region 1 sa national government agencies para sa kapakanan ng mga mangingisda sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨