𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗠𝗔𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗣𝗜𝗧𝗢

Umaga pa lamang ng linggo ay itinabi na sa mataas na lugar ang mga bangka ng mangingisda sa Binmaley, Pangasinan.

Paghahanda umano ito ng mga mangingisda sa bayan dahil sa maaring maranasang epekto ng Bagyong Pepito.

Ayaw umano ng mga ito na masira o ‘di kaya ay malubog ang kanilang mga bangka dahilan ang nakataas na storm surge o daluyong sa bayan.

Inihayag ng mga ito na sila ay bukas sa paglilikas lalong lalo na ang mga kabahayan sa malapit sa baybayin.

Nasa 80 pamilya na rin ang nailikas sa bayan.

Samantala, muling ipinanawagan ng mga ito ang tulong mula sa kinauukulan ngayong isa ang kanilang kabuhayan sa apektado ng nararanasang sunod sunod na bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments