𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗗𝗢𝗕𝗟𝗘 𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡

Doble ang pag-iingat ngayon ng mga motorista at pampublikong sasakyan sa pagbyahe sa kakalsadahan sa lalawigan tulad sa Dagupan City bunsod ng mataas na naitalang kaso ng road traffic incidents sa rehiyon nitong 2023.

Ang ilan sa motorista, sinigurong hindi sila sumusobra sa nararapat lang na bilis o pagpapaandar ng sasakyan lalo kapag nasa highway.

Nito lamang, may ilan ang na-involve sa kaso ng vehicular accidents sa ilang karatig bayan sa lalawigan kung saan kadalasan mga kabataan pa ang nasasangkot.

Ayon din sa tala ng DOH R1, sa buong mundo, isa ang road traffic accidents sa nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga batang nasa edad lima hanggang labing apat na taong gulang at mga kabataan at matanda na nasa edad labing lima hanggang dalawamput siyam na taong gulang.

Sinsiguro naman ng DOH R1 at ng ilan pang katuwang na ahensya tulad ng PNP at LTO na tututukan nila ito at magkakaroon ng mas pinaigting na monitoring sa mga kakalsadahan para mabigyan ng seguridad ang mga motorista at pedestrians. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments