𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗟𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗗 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang Public Order and Safety Division Cauayan sa mga magsasaka ukol sa kanilang pagbibilad ng palay sa kalsada ngayong panahon ng anihan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, hindi naman nila pinipigilan ang mga magsasaka na magbilad ng palay sa kalsada.

Gayunpaman, pakiusap nito na huwag okupahin ng mga magsasaka ang buong kalsada. Kung maaari aniya ay dapat two-way pa rin ang kalsada upang may dadaaanan pa umano ang mga sasakyan.


Dagdag pa ni POSD Chief Mallillin, na maaaring gamitin ang left at right outer shoulder ng kalsada para sa pagbibilad.

Ito ay upang hindi gaanong makaabala sa mga motorista ang pagbibilad, at upang maiwasan na makapagtala ng aksidente.

Facebook Comments