𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗔𝗟𝗢, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Unti-unti nang dumadagsa sa Baratilyo ng Dagupan City ang mga namimili ng regalo ngayong Holiday Season.

Ayon sa ilang tindera, sa pagpasok ng Disyembre mas lumakas ang kanilang bentahan dahil dumarami ang namimili ng pangregalo para sa party.

Mabenta umano sa kanila ang mga mumurahing laruan na naglalaro mula singkwenta pesos pataas depende sa klase.

Trend din umano sa mga kabataan ang mga sapatos na abot kaya ang halaga at pasok rin na panregalo ng mga magulang.

Inaasahan na mas dadagsain ang kanilang pwesto dahil sa pagbubukas ng pailaw sa lungsod na nagsisilbing pasyalan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments