𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗚𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚, 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗞𝗟𝗔𝗞 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗧𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢, 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Puspusan na ang isinasagawang preparasyon ng barangay council ng Poblacion Oeste, Dagupan City kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamalaking sementeryo sa lungsod sa paparating na undas.

Ayon kay Barangay Captain Mark Anthony Gutierrez, sinisiguro umano nila ang kalinisan sa Roman Catholic Cemetery. Nauna na ring nagsagawa ng inspeksyon ang mga ito upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa mismong araw ng undas.

Babantayan din nila ang mga nangunguha ng atang maging ng bulaklak at kandila sa mga puntod.

Nakaalalay rin ang ilang kawani ng barangay sa kakalsadahan dahil isasara ang Careenan St. para sa mga motorista upang maiwasan ang bigat ng trapiko.

Kahapon, dumagsa ang mga naglilinis ng nitso dahil at mga maagang dumalaw sa kanilang mga yumao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments