𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗜𝗟𝗨𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦

Sa panahon ng okasyon, gaya na lamang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon, hinding-hindi mawawala ang kaliwa’t kanang handaan ng Publiko.
Dahil dito ipinaalala ngayon ng Department of Health Center for Health Development Ilocos ang mga pagkaing hindi dapat ihanda sa mga okasyon.
Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer 4 ng DOH-CHD 1 sa isang virtual presser, na hindi dapat ihanda ang mga pagkaing, Matataba, maaalat at matatamis upang iwas sakit.

Aniya, sa mga handaan o sa hapag-kainan maaaring gumamit ang publiko ng alternatibong mga pagkain gaya na lamang ng prutas at gulay.
Layunin ng paalala na ito ng ahensya ay upang magkaroon ng healthy at safety tips para sa masustansya at ligtas na pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Nauna nang nagbabala ang Pangasinan Provincial Health Office na mas mainam aniya na kumain lamang ng sapat at huwag masyadong kumain ng mga nakakasama sa kalusugan.
Ipinaalala rin sa publiko na laging i-check kung malinis ang mga kinakain upang hindi makakuha ng sakit gaya na lamang ng food poisoning. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments