Dininig sa ginanap na open forum sa ginanap na TODA Summit ang mga pangangailangan na at saloobin ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Bayambang.
Inaasahan na pamamagitan nito ay lalo pang mapalawig ang koordinasyon at law enforcement nang sa gayon ay masiguro ang maayos na sistema ng tricycle regulation sa bayan ng Bayambang.
Sa naturang summit naman ay ibinahagi rin sa mga TODA ang mga kaalaman na maya kaugnayan sa pagpapantili ng ligts at maayos nilang pagseserbisyo.
Isa sa tinalakay sa naturang summit ay ang ukol sa Tricycle Franchising, possible violations, rerouting, at mga paalala sa mga hindi pa nakakapagpa-pintura ng kanilang mga tricycle.
Ipinaliwanag rin ang ukol sa Republic Act 4136 na sumasaklaw sa mga tulad nilang nagmamaneho ng sasakyan at maging ang Tricycle Insurance bilang requirement sa MTOP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨