Hati ang opinyon ng ilang mga residente sa lalawigan ng Pangasinan tungkol sa isinusulong na House Bill 9349 o Absolute Divorce Act.
Matapos muling umalingawngaw ang usapin ukol sa Diborsyo, nang ito ay makapasa sa final reading sa Kamara, nagpahayag ng opinyon ang ilang mga Pangasinense ukol sa nasabing usapin.
Ayon sa ilan, sila ay tutol sa naturang panukala dahil tila nawawala ang pagkasagrado ng kasal gayundin ay kumakapit sila sa kung ano ang layunin umano ng Diyos at maging ng batas sa kanilang kasal.
Ang ilan naman, ay nagpahayag ng pagsuporta sa nasabing panukala, dahil makatutulong ito lalo na sa mga nasa relasyong mapang-abuso o di nama’y nahihirapan buhat ng iba’t ibang rason.
Samantala, kamakailan, nagpahayag naman ang Archdiocese of Lingayen-Dagupan ng pagtutol sa nasabing usapin.
Sa kasalukuyan, hindi pa umuusad ang usapin ng diborsyo sa senado, dahil kinakailangan din na magkaroon ng bersyon ang mataas na kapulungan upang maipatupad ang nasabing batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨