Muli na namang pinaalalahanan ng health authorities ang publiko kaugnay sa kailan lamang naitalang heat index sa Pangasinan na pumalo sa 50°C.
Pagbabahagi ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development na patuloy na nakararanas ang lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng mapanganib na kategorya kung saan posible ang pagkakaroon ng heat related illnesses.
Kaugnay nito, binigyang diin ang ilan sa mga hakbangin na maaaring upang maibsan ang nararanasang init tulad ng pagpapaliban sa mga outdoor activities kung ramdam ang init ng panahon.
Nauna na ring inihayag ni Dr. DOH-CHD-1 medical officer Dr. Rheuel Bobis na patuloy na minomonitor ang kaso ng heat related illnesses sa Region 1 at tiniyak ang pagkakaroon ng mga ospital na tututok sakaling makapagtala ng kaugnay na mga sakit.
Samantala, nasa 47°C ang heat index forecast ng Dagupan City ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨