Masinsinang tinalakay sa ginanap na public hearing ng Sangguniang bayan ng Bayambang ang ilan sa panukalang ordinansa na nais maipasa na may kaugnayan sa pangkalusugan.
Isa sa tinalakay sa naturang public hearing ang panukalang pagbibigay ng isang Annual Physical and Dental Check-Up para sa empleyado ng munisipyo.
Tinalakay rin ang ukol sa pagbibigay pahintulot na maglagay ng “Basic Oral Hygiene” na maging parte ng curriculum ng mga day care center nang sa gayon ay matutunan ng mga bata ang paglilinis at pagpapanatili ng malusog na ngipin para iwas sa sakit.
Pinag-usapan rin ang pagdeklara sa buwan ng Pebrero bilang Healthy Smile Festival bilang pagtalima sa National Dental Health Month sa probinsya.
Samantala, pinangunahan naman ang pagdinig na ito ng mga Sangguniang bayan members, mga committee chairmen at ilan pang departments na maaaring bahagi ng mga naturang panukala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨