𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗗𝗘𝗦𝗧𝗥𝗜𝗔𝗡𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗧.

Nagbigay ng paalala ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City ukol sa isinasagawang overpass sa bahagi ng Arellano St. na mag-iingat dahil under construction ito.

Literal na iaangat ang naturang overpass sa pamamagitan ng crane nang sa gayon ay tuluyan at agaran nang madaanan ng mga malalaking sasakyan tulad ng bus.

Bahagi rin ang pagsasaayos ng naturang overpass sa pagtatapos rin ng road at drainage elevation.

Pakiusap na lamang ng LGU Dagupan na mag-iingat ang mga pedestrians at motorista sa tuwing dadaan sa naturang bahagi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments