𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗧 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗧𝗦𝗧𝗥𝗢𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣

Pinaalalahanan muli ng Pangasinan PDRRMO ang mga pet owners sa lalawigan ukol sa banta ng heatstroke sa kanilang mga alagang hayop.

Hindi rin tao ang maaaring makakuha ng heat related illnesses ngayong tag-init kung hindi pati na rin ang mga alagang hayop sa loob ng mga tahanan.

Dapat umanong alamin ng mga pet owners ang mga sintomas ng heat stroke sa mga alagang hayop tulad ng hindi mapakaling kilos, paglalaway, panghihina, labis na paghingal, at kawalan ng malay.

Huwar rin umanong iwan ang mga ito sa sasakyan lalo kung mainit at siguruhin na sila ay nasa lilim rin at nakakainom ng malinis na tubig.

Mainam kung iiwasan rin umano ang pagkakaroon muna ng outdoor activities ng mga alagang hayop at bigyan rin ang mga ito ng yelo o frozen na mga sabaw tulad ng sabaw ng baka at manok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments