𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗢𝗧𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧

Tiwala si Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez na maiibsan ang matagal ng problema sa baha sa lungsod sa pamamagitan ng mga isinusulong na flood mitigation projects.

Ito ay matapos maranasan ang pagbaha sa ilang barangay na umabot hanggang leeg dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinocalan River na siyang direktang nakakaapekto sa antas ng tubig sa lungsod kasabay ang hightide season.

Sa ilalim ng mga flood control projects tulad ng kasalukuyang konstruksyon ng mga kakalsadahan, road elevation at drainage upgrade, dredging operations, pagkakaroon ng floodgates at mga dike at creek rehabilitation ang isinusulong ng alkalde. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region I sa pagsasakatuparan ng mga proyekto.

Tuloy-tuloy ang isinasagawang distribusyon ng relief supplies sa mga apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments