Tinalakay sa naganap na pagpupulong ang mga pinagpaplanuhan ang mga programa at proyekto para sa public school sa bayan ng Manaoag.
Isa sa mga tinalakay sa naturang pagpupulong ng LGU kasama ang Local School Board ang ukol sa pagsasaayos ng mga classrooms at pagpapaganda ng mga separator fence, maging ang pagbili ng mga workbooks para sa mga kindergarten at iba pa.
Iminungkahi rin ng alkalde na gawing air conditioned ang lahat ng mga Child Development Centers sa kanilang bayan.
Pinag-usapan rin ang mga naisagawa nang programa at proyekto tulad ng matagumpay na pagsasagawa nila ng brigada eskwela kamakailan.
Samantala, inihayag rin ng alkalde ang ukol sa nalalapit na pagbubukas naman ng aplikasyon at implementasyon ng Manaoag Scholarship program kung saan makikinabang ang mga estudyanteng residente ng kanilang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨