𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡’𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚

Inilatag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang inihandang mga programa para sa mga batang Dagupeño alinsunod sa selebrasyon ng National Children’s Month sa darating na Nobyembre.

Inaaasahang muling aarangkada ang taunang Children’s Summit, maging ang paglunsad ng State of the Children’s Address. Ilan sa mga nakahandang programa ay ang programang Unaen so Mairap Bilay Health and Nutrition Program para sa mga malnourished na mga bata, Junior Health Advocate Relaunch, Sports Training and Development Program, at Vision and Hearing Test.

Tututukan din ang pagbibigay ng medical assistance sa mga PWDs, mga batang may cancer, diabetes heart ailments, skin problem at iba pa. Ibabahagi rin sa mga bata ang Disaster Preparedness Information Education Campaign upang matuto ang mga ito sa banta ng kalamidad habang sila ay bata pa.

Samantala, bahagi sa adhikain ng LGU Dagupan ang mas pina-igting na proteksyon at karapatan ng mga batang Dagupeños. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments