Isinagawa ang isang oryentasyon ukol sa pagtataguyod ng karapatan ng mga mahihirap na pinangunahan ng National Anti-Poverty Commission katuwang ang Department of Interior and Local Governance (DILG) Pangasinan.
Tinalakay ang mga kaalamang nakapaloob sa RA 11291 o ang Magna Carta of the Poor at ang Local Poverty Reduction Action Plan o LPRAP.
Kabilang sa diskusyon ang pagpresenta ng sitwasyon ng kahirapan sa lalawigan, at ang mga hakbanging nakatakdang maimplementa na inaaasahang tutugon sa problema ng kahirapan.
Matatandaan na taong 2019 nang isabatas ang Magna Carta of the Poor na may layong tugunan ang kagutuman at tiyakin na nakahanda ang mga serbisyong aalalay para sa mahihirap na mga Pilipino upang mabawasan ang nararanasang kahirapan.
Sa ilalim nito, obligado ang gobyerno na magpatupad ng mga programa na siyang magtataguyod sa karapatan ng mga mamamayan sa aspeto ng pagkain, trabaho, edukasyon, pabahay at pangkalusugan.
Samantala, nilahukan ang naturang aktibidad ng mga kawani ng mga lokal na pamahalaan ng bayan at lungsod sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨