𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Sa bungad ng taong 2024, sunod-sunod na ang mga proyektong isinasagawa sa lungsod ng Dagupan.

Isa sa mga ito ay ang paguumpisa ng konstruksyon sa 72 units ng wholesaler stalls sa Magsaysay Fish Market para sa mga fish vendors.

Nakapaloob din sa 2023 budget ang nasa labing isang flood mitigation projects na kasalukuyan na ring ginagawa sa lungsod.

May mga ipatatayo ring mga classroom buildings sa ilang paaralan sa lungsod tulad sa Barangay Malued bilang long term solution sa mga luma at sira nang mga classrooms sa paaralan doon.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang konstruksyon ng ilang kakalsadahan sa lungsod para sa road elevation at drainage upgrade pa rin na siyang naumpisahan na noong taong 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments