𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔

Pinaigting pa ang mga proyekto inilalaan para sa mga residente ng Alaminos City lalo pag dating sa sektor ng agrikultura at maging ng pangkabuhayan.

Nito lamang ay pinasinayaan ang Multi-Purpose Drying Pavement (MPDP) with Palay Shed & Bamboo Primary Processing Building for Bamboo Slat Production sa barangay ng Sta. Maria.

Ang pasilidad na ito ay makatutulong sa proseso ng pagpapatuyo ng palay at ng high value crops ng mga magsasaka sa lungsod.

Kasama rin dito ang pasilidad para sa paggawa ng bamboo slats na siyang kailangan sa tuloy tuloy na produksyon ng e-kawayan souvenir at novelty items.

Nagpasalamat naman ang mga residente sa naturang barangay sa bagong pasilidad na makatutulong sa kanilang hanapbuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments