𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗥𝗢𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘

Nagpahayag ng saloobin ang ilang mga PUV drivers sa Dagupan City kaugnay sa umiiral na bagong on way traffic scheme na epektibo na simula pa noong Jan. 6.

Ayon sa mga ito, mas mainam daw para sa kanila ang siste ng ipinatupad na unang traffic scheme kung saan ang exit ng mga ito ay sa De Venecia road pabalik sa Bonuan Area, at kumpara ngayon ang nasabing daan ang nagsisilbing entrance pansamantala ng mga ito kung pupunta sa city proper.

Hirap daw ang mga ito sa pagsasakay ng mga pasahero tulad na lamang sa ruta sa downtown area at kinakailangan pang mga maglakad ng mga commuter papunta sa kung saan lumalabas ang mga may rutang paputang Bonuan.

Bagamat aminado ang mga ito na wala naman silang magagawa kung hindi ang sumunod na lang dahil sakop sila ng mga kautusang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Umaasa ang mga ito matapos na ang ginagawang mga road projects upang maging maluwag na umano ang daloy ng trapiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments