𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗠𝗘𝗥, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗧𝗜 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Tinututukan ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 ang pagtugon sa mga naipaparating na reklamo ng mga konsyumer sa kanilang tanggapan.

Sa datos ng ahensya, mula Enero hanggang nito lamang Hulyo ngayong taon, nasa isang daan at tatlumpu’t-lima (135) na ang naresolbang consumer complaints dahil nananatiling bukas ang kanilang tanggapan sa anumang uri ng reklamo na magmumula sa mga mamimili.

Una nang nakapagtala ng sampung (10) DTI Violation ang ilang mga tukoy na establisyemento sa rehiyon bunsod ng kawalan ng ICC sticker na isang requirement upang makapagpatuloy sa pagbebenta ng mga produkto sa merkado.

Nakapagkumpiska na rin ng nasa dalawang milyong pisong (P2M) mga illegal na produkto sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.

Tiniyak ng DTI Region 1 ang mahigpit na monitoring sa mga business establishment partikular ang pagtutok sa presyuhan ng mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC) upang maiwasan ang anumang panlalamang at maprotektahan ang karapatan ng mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments