𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗡 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦

Cauayan City – Hindi pinalampas ng mga residente ng Brgy. Union, Cauayan City, Isabela ang ginawang pagbisita ng Commission on Elections sa kanilang lugar upang maghatid serbisyo.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ronald Antonio, kagawad sa nabanggit na barangay, ikinatuwa nito ang aktibong partisipasyon ng mga residente sa kanilang lugar dahil tinatayang nasa 60 ang mga indibidwal na nagparehistro at karamihan pa sa mga ito ay mga kabataan.

Sinabi ni Kagawad Antonio na malaking tulong ang pagbisita ng opisina ng COMELEC sa kanilang lugar dahil bukod sa hindi na kailangang gumastos sa pamasahe ng mga residente ay mas marami pa ang nabigyan ng pagkakataong makapagrehistro sa pagboto.


Samantala, patuloy naman na hinihikayat ni Kagawad Antonio ang kanyang mga kababayan na hindi pa rehistrado na bumisita sa COMELEC at magparehistro na dahil isa ito sa kanilang mga karapatan na dapat nilang bigyang pansin.

Facebook Comments