𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗠𝗢𝗦 𝗠𝗢𝗗𝗨𝗦

Pinag-iingat ngayon ng kapulisan ang mga residente sa bayan sa Asingan sa mga nagsusulputan mga nanlilimos bilang modus o budol lalo ngayong paparating ang holiday season.

Ikinabahala ng mga miyembro ng Sangguniang bayan ng Asingan ang paglipana umano at pagdami ng mga nanlilimos sa bayan.

Ayon sa isang konsehal, ang grupo ng mga namamalimos ay hinahatid ng inarkilang sasakyan at ibinababa sa mga palengke at matataong lugar upang manlimos o mangbudol.

Ayon kay PMAJ. Jimmy Paningbatan, hepe ng Asingan Police Station, mayroon na silang apat na nasita ukol sa naturang gawain.

Naglagay na ng tarpaulin ang kapulisan sa palengke, public plaza, at mga kakalsadahan at tulay tungkol sa Anti-Mendicancy Law na nagsasabing bawal ang pamamalimos lalo kung kaya naman magtrabaho at pagbabawal sa mga bata na manlimos para sa pera. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments