Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga residenteng nakakaranas ng pang-aabuso.
Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, huwag umanong matakot ang Dagupeños na sumangguni sa tanggapan ng àwtoridad sakaling makaranas ng pang-aabuso upang agad na mailigtas ang mga ito.
Aniya, pinaigting pa ang kampanya sa laban sa iba’t-ibang uri ng pang-aabuso sa lungsod at sa katunayan nakikipag ugnayan ang mga ito sa mga ahensyang makakatulong sa naturang usapin gaya na lamang ng PNP, Anti-Cybercrime Unit, City Legal Office, City Health Office, Violence Against Women and Children (VAWC) Desk, at Justice Zone.
May hotline rin na ilulunsad ang lokal na pamahalaan para sa mga sumbong para sa Online Sexual Abuse at Child Exploitation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments