𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝟳𝟳𝗧𝗛 𝗔𝗚𝗘𝗪 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨

Kasunod ng pagdiriwang ng 77th Agew na Dagupan bukas, June 20, 2024, inilatag na lokal na pamahalaan ng lungsod ang mga inihandang programa at aktibidad na mapapakinabangan ng mga Dagupeños.

Personal na ibinahagi ni Mayor Fernandez sa naging panayam nito sa IFM Dagupan ang iba’t-ibang serbisyong inilaan para sa benepisyo ng mga residente sa lungsod.

Nakatakdang isagawa bukas sa City Plaza ang mga sumusunod:

Libreng medikal na serbisyo tulad ng ECG, FBS, Cholesterol, Uric Acid, Hemoglobin, blood analysis, Urinalysis, X Ray, Dental Check at Tooth Extraction at ang UST Medical Mission Registration.

Bukas din ang concerned department sa Request for Sanitation, Request for Operation Sitio, City Scholarship, Free Late Registration Birth, Free Legal Consultation at marami pang iba.

Saklaw pa nito ang pamamahagi ng libreng mga binhi, free theoretical driving course, application for free ID sa mga solo parents at wheelchairs, maging mga gatas para sa mga nanay.

Inanyayahan ng alkalde ang mga Dagupeños na makibahagi sa naturang aktibidad upang mapakinabangan ang iba’t-ibang mga serbisyong hatid para sa mga ito.

Samantala, isa sa highlight ng 77th Agew na Dagupan ay ang pagkilala sa mga Uliran ya INA na Dagupan, at Dona Remedios Tan Fernandez Memorial Award Pinablin Ina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments