Naghahanda na ang mga simbahang katoliko para sa nalalapit na Ash Wednesday o umpisa ng pag-aayuno, pagsasakripisyoβt penitensya ng mga debotong katoliko.
Sa darating na ika-14 ng Pebrero na ang pag-aabo o paglalagay ng abo sa noo ng mga deboto na umpisa rin ng Lenten Season dahilan para sa kaliwa’t kanang paghahanda ng mga simbahan.
Inilabas na rin ng mga malalaking simbahan sa Pangasinan ang ibaβt ibang iskedyul ng misa gaya na lamang ng St. John the Evangelist Cathedral dito sa Dagupan City na mag-uumpisa ang kada misa sa oras na 6AM, 7AM, 8AM, 9AM at 12:15 PM sa Sanctuario at alas β5 ng hapon.
Habang sa Minor Basilica of St. Dominic sa Lungsod ng San Carlos ay mag-uumpisa ang paglalagay ng abo sa oras na alas β7 ng umaga, alas β12 ng tanghali at alas β5 ng hapon.
Inaasahan na muling dadagsain ang mga simbahan dahil tradisyon na kung ituring ng mga deboto ang paglalagay ng abo sa noo.
Bukod sa okasyong ito ay isineselebra din ang araw ng mga puso. |πππ’π£ππ¬π¨









