Patuloy ang pag-arangkada ng mga iba’t-ibang mga social services ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang ilang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment (dole) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Napapakinabangan ng ilang mga kwalipikadong dagupeños ang ipinamamahaging tulong pinansyal sa ilalim ng ilang programa tulad ng assistance to individuals in crisis situation o aics, maging ang tulong panghanapbuhay sa ating displaced o disadvantaged workers to tupad.
Sa kasalukuyan, tinanggap ng higit isang daang indigent residents ang kanilang aics payout habang umpisa na ring naipamahagi sa mga 4Ps beneficiaries ang emv cards sa pagproseso ng kanilang financial grant.
Samantala, kabilang ang iba’t-ibang lipon ng dagupeños tulad ng solo parents, ambulant vendors at iba pang kasali sa vulnerable sector ang sumasailalim sa validation at proseso ng mga programa upang maging kwalipikadong benepisyaryo ng financial assistance na may layong makatulong sa pantustos ng mga pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨